Sunday, February 28, 2010

PAHAYAG HINGGIL SA ISYU NG PANGGAGAYA SA DULOG PANGAMPANYA

Ni Jordan Cabandong, FEUCSO SAMASA President 2010-2011

“May mga paninira dahil may masisira, may nabuo tayo kaya may sinisira.”

Mag-aaral, pamantasan at lipunan ang tunay na mga sentro ng ating partido, ng ating prinsipyo, ng ating ipinaglalaban.
Kung kinakailangang bigkasin ang mga pananalitang “Sorry,” gagawin natin. Bakit ba hindi, ito ay manifestasyon ng ating pagtanggap sa pagkakamali.

Inihawig natin ang dulog sa pagpapakilala ng ating sarili, partido, at programa. Ngunit hindi natin at hinding hindi nating ihahawig ang dulog sa paglilingkod. May sariling pangangailangan ang mga mag-aaral sa ating unibersidad at naandito ang partido—taglay ang mag tunay na lider at ang malinaw na programa, hindi superficial at nakasentro sa sarili, kundi efektivo, may impact at nakasentro sa mag-aaral—mabibigyang diin natin ang ating mga ipinangako katulad ng ating nagawa sa mga nakaraang taong panuruan. Hindi rasyonal na sabihin na, dahil sa “fake” tayo sa dulog ng pangangampanya ay “fake” na rin tayo sa dulog ng paglilingkod at pamumuno. Hindi magkatugma ang dalawa (it does not follow).

Hindi tayo dapat panghinaan ng loob at mawalan ng moral sapagkat tunay ang ating adhikain. Hindi tayo dapat maubusan ng lakas sa pag-aabot ng ating mga kamay sa kapwa mag-aaral. Ito ang SAMASA na ating nakilala: hindi lang nangangako kundi gumagawa.

Lalo’t higit, hinding hindi natin kailangan ang manira o gumawa ng istorya upang manalo. Hindi iyan ang turo at praktis ng ating partido. Alam natin na kailangang maipanalo ang eleksyon ng hindi sinisiraan ang ibang personalidad o gumawa ng istoryang walang basehan. Dapat nating panindigan na ang elektoret, ang mag-aaral ay hindi dapat iligaw sa pamamagitan ng pagfabrika ng istorya. Hindi sila dapat lokohin upang manalo. Kung gayon din lamang ang nangyayari, ang gayong gawa ay afirmasyon na itinuturing na walang sapat na pag-iisip ang kapwa mag-aaral. Hindi sila dapat paikut-ikutin sa pamamgitan ng istoryang walang basehan. Kung gayon din lang, ang eleksyon na naipanalo sa pamamagitan ng fabrikadong istorya at isyu ay tagumpay Piriko.

Pakitandaan ang pananalitang aking binigkas ng ofisyal kong tinanggap ang hamon upang pamunuan ang FEUCSO: Estudiyante and dapat na sentro. Ang paglilingkod sa Pamantasan ay paglilingkod sa bayan!

HUWAG PANGHINAAN. HUWAG MASAKTAN. Hindi ito ang makakatibag ng ating SAMAHAN o paniniwala. Tayo ay talagang lumalakas, talagang tumatatag, talagang hinding hindi mabubuwag. Nawa ang pangangailangan sa mga lider na may tunay na hangarin para sa mag-aaral, na handang ipagtanggol ang kanilang mga karapatan, bigyang sapat na pagtingin ang kapakanan at hubugin ang kakayahan ang maging SAPAT na motivasyon upang ipagpatulo ang laban na nasimulan.

Hindi tayo nagkasama-sama dahil sa pansariling ambisyon. Tayo ay nagkaksama-sama dahil tayo ay may misyon at vision. Napatunayan ng SAMASA: higit pa sa posisyon, aksyon!

Manatiling kapit-bisig dahil REaDy tayo sa bawat balakid na pilit pipigil sa ating mabuting hangarin. May mga paninira dahil may masisira. Sa kabuuran, may nabuo tayo kaya may sinisira.
SAMASA: Mahal na mahal ko. Hindi ako nagkamali!
Sulong Team SAMASA!

Jordan Cabandong - BPI Outstanding Expat Pinoy Children

FAR EASTERN UNIVERSITY

Academic Achiever, Excellent Leader

13 comments:

Carl said...

Anong masasabi niyo sa mga alegasyon ng garapalang pangongopya sa itsura at dibuho ng ilang materyal na pang-eleksiyon ng isang partido mula sa Pamantasang De La Salle?

Pakisagot lamang po. Kalat na kalat na ito sa Facebook.

Salamat.

-Mula sa isang concerned na alumni ng Pamantasan ng Malayong Silangan.

Nico said...

Also, please answer this: What is the use then of your vision, mission and constitution if your so called "dulog" does not follow your line of service? What is the point of having all those? Ano ang ipinaglalaban nyo? San nyo binase ang serbisyong inihahain nyo sa mga estudyante ng Pamantasan ng Malayong Silangan? Hindi ba sa sinasabing ginayang vision, mission, and constitution nyo un nakabase? Nasaan dun kung gayon ang individualized service para sa mga mag-aaral? QUALITY SERVICE BA MAITUTURING ANG ISANG GINAYA, O, PAS MALALA, WALANG BASEHAN, WALANG PATUTUNGUHAN, NA SERBISYO? Hindi magkatugma ang dalawa?! Your service does not follow your call, your identity, your "dulog"? Please. Anu ginagawa nyo pangangampanya kung gayun?

Anonymous said...

regarding the issue of copy paste thing of campaign material, I guess the party from DLSU has the right to complain regarding the issue. First, isn't hard to say sorry if you really have done something wrong? Is that really easy for you guys to just copy someones own work without giving any due respect to him or to the group? What if your group will have the same position will you not cry foul? Think and think not like this you're telling us that they only want to destroy your party. Do you have any evidence with your allegation.

Ps. kung gusto mong gamitin ang wikang filipino usang iyong ihayag ang iyong sariling kuro-kuro at saloobin, pakiaayos naman. Nakakahiya tulad na lang nito "eFECTIBO."

Anonymous said...

wow. from the title, it looked like "finally they're addressing the issue." but when you read the entire piece, it still did not address the fact of the copying. you just cited that you stand strong as a party without actually addressing the issue.

you claim to address it and yet you have only said in one line of your speech.

you clamored for unity amdist this trying time but what is it exactly you're fighting for?NAGHAHANAP KA BA NG KAKAMPI? ni hindi mo nga binigyang linaw ang pinaglalaban mo...

Kim Carlo de Dios said...

Anong point nitong post na ito? Paghuhugas-kamay? Hindi nagtutugma yung pamagat ng paskil sa nilalaman nito. Where is the actual addressing of the issue in your post? As far as your post is concerned, there are none at all.

Once and for all, since our reaching out to you does not work, I demand that you stop copying our party's identity (that is, lifting from our tangible and intangible works and claiming it as your own) and start making your own identity. To even tell your constituents that our organization is a 'sister' of yours is outright fabrication of facts because in the first place, it is NOT even in our organization's history.

Anonymous said...

wag kana umiyak diyan cry baby. Tutal naman hindi naman kayo makapagsulat ng maayos sa filipino wag kana! L...

Anonymous said...

My only concern is this: Pakiayos naman po ang paghayag sa wikang Filipino. Kung gusto mo talaga gamitin ang salitang "effective", bakit hindi na lang "mabisa"? Pwede rin naman yung efektivo, kaso ang sagwa, eh meron naman tayong katumbas na pagsalin. Gamitin mo na lang yun. Salamat nang marami.

Anonymous said...

AND PLS, STOP BEATING AROUND THE BUSH. I STRONGLY AGREE TO THE PREVIOUS COMMENT, PAKI-KLARO NG INYONG MENSAHE. VERY MEDIOCRE.

Anonymous said...

tsk tsk tsk. . .It would only exemplify how pathetic your group's ideologies. Asking for the sympathy of your fellow tams even evidently unethically copying someones work?

Btw: I read your profiles ok sana kaso in addressing the issue, parang copy paste or fictitious na yung dating ng CV.

Anonymous said...

Don't cry out loud,
Just keep it inside,
Learn how to hide your feelings.
Fly high and proud.
And if you should fall,
Remember you almost had it all.

Don't Cry Out Loud- R.A.G.

Anonymous said...

Ano yan DREAM BELIEVE SURVIVE? SAMASA fight?

Anonymous said...

Walang basehan? WTF?!!!

Efektivo,Manifestayon,Afirmasyon,Fake,fabrikado,ofisyal,motivasyon...WTF!!!!

Dude,you can use words like nagpapatunay, himok, nangangahulugan, huwad and mabisa, just in case you didn’t know.

this is, again, embarassing..

Anonymous said...

Hindi naman paninira ang nangyayari e. Nagpapakita lang talaga ang katotohanan. Besides, if you're really great leaders as you say you are, then you wouldn't resort to such a shameful act.

You can't pull off this charade anymore. Stop ignoring the students' comments. I apologize for this rather sarcastic remark, but after all, "you're putting us at the center, putting us first," right? Then listen to what we have to say: Stop thinking about yourselves and look at the mayhem that you're causing. You owe the DLSU and the FEU community an apology on the grounds of deception and plagiarism.

Post a Comment